i Laugh. i Love. i Learn. i get mad, sad. i pLay. My Life. Simply me. . .

Home » Archives » 28. June 2009

Text Scam 2

June 28, 2009

aba abah ang mga manlolokong ito.. may panibagong gimik ng panloloko sa text at nareceive ng asawa ko nung isang araw lang, eto:

Kumusta na kayo dyan. nawala ang roaming ko. eto gamit ko ngayon hiram ko sa ksmahan ko dto. ploadan nyo muna 2 ng 300.byran na lang kpg ngpadala ako. ingat kyo plagi dyan

- anak ka ng hinayupak ka.. lahat ng paraan ginagawa nyo para makapanloko.. nakakagigil ang mga katulad nyan! sarap paduguin ng pagmumuka at litratuhan! at ipaskil sa mga pader! nakalagay sa karatula: Wag Tularan!

eto ang ginamit na number ng hudas na texter +639196616575

Posted by redberry at 8:32 pm | permalink | comments[1]

Nigerian Beneficiary Scam

 

Nakatanggap na siguro din kayo ng email na galing Africa or Nigeria - at minsan galing na din sa France. Matagal na ito. Ang sabi sa e-mail na ito ay ikaw ang napiling nearest kin na pwedeng pamanahan o hatian ng isang officer ng manang natanggap nya sa isang napakayamang high ranking officer kuno na walang papamanahan ng perang bilyon ang halaga. Kesyo hihingi ng personal information, bank account, bank account name, birthday, address, telephone number, social security number at valid ID - para maipadala sa’yo ang perang ipapasa daw sa’yo. Pero wag ka ikaw ang makukuhanan nila ng pera kung ikaw ay aanga-anga.. Nearest kin nasa Africa o Nigeria? Hellouer??.. Are you drugs??.. Pwede naman ipamana sa mga kapus-palad sa lugar nila o kalahi nila baket hahanap pa ng iba??.. 

At ang email scam na ito ay mayroon na din po sa TELEPONO. Yes, naka-receive na po ang tita ko ng ganyang scam sa telepono. ganyan na ganyan din - kesyo gusto daw makatulong ng mabuting citizen kuno na ito at papamanahan kuno ang sinumang makausap nya o kaya naman hahatian ng mamanahin nya. Syempre, to make it sound real, nag-effort pang dumaldal sa phone na tumawag ang hustler manloloko. Obvious naman eh, andami-daming pwedeng bigyan kung totoo man, mga taga home for the aged, sa orphanage at mga taga Somalia!! tapos kung saan-saan ka pa hahagilap ng tutulungan?.. maliwanag na panloloko lang ‘yan.. di ba nila alam ang ibig sabihin ng karma?.. hah parang walang nakakakita sa mga pinag-gagagawa ng tao..

Posted by redberry at 6:03 pm | permalink | View this entry

Text Scam

 

Nakatanggap na ba kayo ng text message na ganito:

Hon, d2 ka magreply.load mo ako 300pesos

o kaya naman ganito:

Hon, load mo ako 300pesos - SMSCaster.com

 

Nakatanggap na ako ng mga ganyang text scam.. 5 beses na, dalwang beses sa isang number at tatlong beses na iba-ibang number.. napaka-walang hiya ng mga gumagawa nito. Globe number pa ang lumalabas. Di man lang ba sila nakakaisip ng panlolokong ginagawa nila, may balik ‘yan! 

Posted by redberry at 5:57 pm | permalink | View this entry