Nakatanggap na siguro din kayo ng email na galing Africa or Nigeria - at minsan galing na din sa France. Matagal na ito. Ang sabi sa e-mail na ito ay ikaw ang napiling nearest kin na pwedeng pamanahan o hatian ng isang officer ng manang natanggap nya sa isang napakayamang high ranking officer kuno na walang papamanahan ng perang bilyon ang halaga. Kesyo hihingi ng personal information, bank account, bank account name, birthday, address, telephone number, social security number at valid ID - para maipadala sa’yo ang perang ipapasa daw sa’yo. Pero wag ka ikaw ang makukuhanan nila ng pera kung ikaw ay aanga-anga.. Nearest kin nasa Africa o Nigeria? Hellouer??.. Are you drugs??.. Pwede naman ipamana sa mga kapus-palad sa lugar nila o kalahi nila baket hahanap pa ng iba??..
At ang email scam na ito ay mayroon na din po sa TELEPONO. Yes, naka-receive na po ang tita ko ng ganyang scam sa telepono. ganyan na ganyan din - kesyo gusto daw makatulong ng mabuting citizen kuno na ito at papamanahan kuno ang sinumang makausap nya o kaya naman hahatian ng mamanahin nya. Syempre, to make it sound real, nag-effort pang dumaldal sa phone na tumawag ang hustler manloloko. Obvious naman eh, andami-daming pwedeng bigyan kung totoo man, mga taga home for the aged, sa orphanage at mga taga Somalia!! tapos kung saan-saan ka pa hahagilap ng tutulungan?.. maliwanag na panloloko lang ‘yan.. di ba nila alam ang ibig sabihin ng karma?.. hah parang walang nakakakita sa mga pinag-gagagawa ng tao..