Knowledge. Laughter. Love. Bless. Money. Healthy. Happy. Anger. Sadness. My Life.

Home » Post Item » Ukay-Ukay

Ukay-Ukay

June 28, 2009

 

Pumunta dito sa amin ate June ko at panganay nya, (pamangkin ko) si Khalyl, para mag-tinda kami ukay mga old and used stuff namin.. mejo mausok kasi daanan ng jeep and other vehicles pero ‘k lang kasi inde pa naman ako naligo ng mga oras na ‘yan kaya ganyan ang itsura ko,, sorry.. hehe :)

                             

yan ako at ang ate ko sa labas ng gate.. pero di samin yung naka sampay sa gate ha, labada ‘yan ng kapitbahay namin.. trip nyang sampayan ang gate.. weh! buti nga walang nagtanong kung pati ‘yon kasama sa ukay namin, kundi isasama ko wahaha!! :)

 

hindi naman lumang-luma na, maayos po namin bitawan ang mga kadamitan namin kahit sa mga kids… from P5, P10, P20 at may mga collection pa ako ng Hello Kitty na pair ng stuffed toy from McDonald’s.. La kasi akong baby girl na maglalaro ng mga ‘yon.. kahit ‘tong si Den-Den na kapatid ni Khalyl ay ayaw ng ganyan.

  

akalain mo ba namang may isang adik-adik na type yata ako, ang itsura ba naman at gray ang isang mata at dokleng na sa kaka-singhot ng katol at may kakaibang karisma daw ako at napabili sya kahit hindi naman daw sya bibili.. eh ang napag-tripan nya bilhin ‘yung hello kitty ko na P20 na nga lang each, gusto pa P15 pero tatlo daw bibilhin nya.. binigay ko na din sa presyong gusto nya.. collection ‘yan dapat nga di lang P20 benta dyan… abah ang adik na ‘to bumalik at baka daw pwede isoli dahil di daw gusto ng ate nya! aba abah! hindi ko sya pinilit na bumili dahil sya ang lumapit sa akin.. binigay ko na nga sa kinse na gusto nya tas ibabalik nya  e di para nya lang pinaglaruan ang mga tinda, sa dami ng bumili bukod tangi sya lang ang nag-attempt mag-soli..! KAPAL MUKA! at sinabi nyang o sige bilhin ko kung P15 mo bigay tatlo kunin ko, gusto pa nga ako isahan buy 3 take four daw! sa P15? muka nya?! at gusto P30? marunong ka bang magbilang? may pa-kinse-kinse ka pa sa tatlong gusto mo, P30 ang ipepresyo mong ungas ka.. nangangatwiran ba naman sa divisoria daw ay ganun weh pakelam ko eh wala naman sya sa divisoria! at walang tindang Hello Kitty na collection from McDonald’s sa divisoria.. at bibili daw sana sya ng thinner!? sus pang-adik nya lang kaya ‘yon.. sarap hamabalusin ng pagmumuka eh di naman pipitsugin yung mga binebenta namin, kita naman sa picture naka-plastic pa, naalikabukan lang at pwede labhan.. kaya kayo wag kayo masyado sisinghot ng katol ha…!

 


ang ate kong healthy.. yes!! korean o japanese ?? :)

  si Khalyl, swimmer po yan..   

 

  Khalyl and I at si ate nag-aalok sa background… wahahaha :)

 

Posted by redberry at 6:31 pm | permalink

Add a comment